Mula sa Kalaliman
Awit ng Pag-akyat.
130 1 Mula sa kalaliman dumadaing ako sa iyo, aking Ama.
2 Panginoong Ama, dinggin mo ang aking tinig; pakinggan mong mabuti ang aking mga pagsamo para sa awa.
3 Kung ikaw, aking Ama, ay nagtatala ng mga kasalanan, Panginoong Ama, sino ang makakatayo? 4 Ngunit nasa iyo ang kapatawaran, upang ikaw ay katakutan.
5 Naghihintay ako sa aking Ama; naghihintay ang aking kaluluwa, at sa kanyang salita inilalagak ko ang aking pag-asa. 6 Naghihintay ang aking kaluluwa sa Panginoong Ama higit pa sa paghihintay ng mga bantay sa umaga, higit pa sa paghihintay ng mga bantay sa umaga.
7 Israel, ilagak mo ang iyong pag-asa sa ating Ama, sapagkat nasa ating Ama ang pag-ibig ng tipan, at nasa kanya ang saganang katubusan. 8 At siya mismo ang tutubos sa Israel mula sa lahat ng mga kasalanan ng Israel. a a v8 Ang pangako ng Ama na tubusin ang kanyang bayan mula sa lahat ng kanilang mga kasalanan ay natupad kay Jesus, na pinangalanan upang iligtas ang kanyang bayan mula sa kanilang mga kasalanan.