Isang Batang Nagpapahinga
Isang awit ng pag-akyat. Kay David.
131 1 Ama ko, hindi mapagmataas ang aking puso, at hindi mapagmalaki ang aking mga mata; hindi ako nag-aabala sa mga bagay na napakadakila at napakahiwaga para sa akin. 2 Tunay ngang pinatahimik at pinayapa ko ang aking kaluluwa, tulad ng batang awat na sa suso na kapiling ng kanyang ina; tulad ng batang awat na sa suso ang aking kaluluwa sa loob ko. 3 Israel, ilagak mo ang iyong pag-asa sa ating Ama, ngayon at magpakailanman.