Sino ang Nararapat sa Kanyang Harapan?
Awit ni David.
15 1 Ama, sino ang makatitira sa iyong tolda? Sino ang makapananahan sa iyong banal na bundok? 2 Ang namumuhay nang walang kapintasan at gumagawa ng matuwid, na nagsasalita ng katotohanan mula sa kanyang puso. 3 Hindi siya naninirang-puri sa pamamagitan ng kanyang dila, hindi nananakit sa kanyang kapwa, at hindi nagsasalita ng masama laban sa kanyang kaibigan. 4 Kinamumuhian niya ang isang hamak na tao, ngunit pinararangalan ang mga natatakot sa ating Ama; tinutupad niya ang kanyang sumpa kahit ito'y magdulot sa kanya ng kapinsalaan, at hindi umuurong. 5 Hindi niya ipinapautang ang kanyang salapi nang may patubo, at hindi tumatanggap ng suhol laban sa walang sala. Ang sinumang gumagawa ng mga bagay na ito ay hindi kailanman matitinag.