Ang Pagtanggi ng Mangmang
Para sa punong mang-aawit. Awit ni David.
14 1 Ang mangmang ay nagsasabi sa kanyang puso, “Walang Diyos.” Sila'y masama, ang kanilang mga gawa ay kasuklam-suklam; walang gumagawa ng mabuti.
2 Tumingin mula sa langit ang ating Ama sa mga anak ng tao, upang tingnan kung mayroong nakakaunawa, na humahanap sa kanya. 3 Silang lahat ay tumalikod; magkakasamang sila'y naging masama; walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa.
4 Wala ba silang nalalaman, ang lahat ng mga gumagawa ng masama na lumalamon sa aking bayan na parang kumakain ng tinapay, at hindi kailanman tumatawag sa ating Ama? 5 Naroroon sila, lipos ng matinding takot, sapagkat ang ating Ama ay kasama ng lahi ng mga matuwid. 6 Nais ninyong mga gumagawa ng masama na biguin ang mga balak ng dukha, ngunit ang ating Ama ang kanyang kanlungan.
7 O, sana'y manggaling sa Sion ang kaligtasan ng Israel! Kapag ibinalik ng ating Ama ang kapalaran ng kanyang bayan, magalak si Jacob, matuwa ang Israel.