Saan Nagmumula ang Aking Saklolo?
Isang Awit ng Pag-akyat.
121 1 Itinitingala ko ang aking mga mata sa mga burol—saan magmumula ang aking saklolo?
2 Ang aking saklolo ay nagmumula sa aking Ama, ang Manlalalang ng langit at lupa.
3 Hindi niya hahayaang madulas ang iyong paa; ang nagbabantay sa iyo ay hindi iidlip. 4 Tunay nga, ang nagbabantay sa Israel ay hindi iidlip ni matutulog man.
5 Ang iyong Ama ang nagbabantay sa iyo; ang iyong Ama ang lilim sa iyong kanang kamay. 6 Hindi ka tatamaan ng araw sa maghapon, ni ng buwan sa magdamag.
7 Iingatan ka ng iyong Ama sa lahat ng kapahamakan; babantayan niya ang iyong buhay. 8 Babantayan ng iyong Ama ang iyong paglabas at pagpasok, ngayon at magpakailanman.